Sam copy

KAHAPON lang, Pasko, ang rest day si Sam Milby na wala nang ginawa kundi maglagare sa tapings ng dalawang serye, ang kasalukuyang umeereng Doble Kara nila ni Julia Montes at ang Written In Our Stars kasama naman sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal at Toni Gonzaga-Soriano na ipalalabas sa 2016.

 

“Araw-araw ang taping niya, walang pahinga,” kuwento sa amin ng taong malapit sa aktor.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Kuwento pa sa amin, tuwang-tuwa ang buong staff and crew ng Doble Kara dahil sa Christmas party nila ay nagpa-raffle raw ang aktor ng tatlong malalaking flat screens bukod pa sa share nito sa boodle fight na nilantakan nila.

 

Bumagay na leading man ni Julia si Sam dahil kahit 20 taong gulang pa lang ay nagagawa nilang pagmukhaing matured na rin ang aktres. 

Hmmm, ang agwat ng edad din yata ang dahilan kaya hindi muna inaamin nina Julia at Coco Martin ang relasyon nila?

 

Parating sinasabi ng bida ng Ang Probinsiyano na ‘baby’ o ‘bata pa’ si Julia, pero sa Gandang Gabi Vice noong nakaraang Linggo ay nalamang si Julia pala sana ang pinili ni Coco over Maja Salvador and Bela Padilla na leading lady niya para sa nasabing serye.

 

Samantala, nanatiling tikom ang bibig ni Sam pagdating sa lovelife niya at wala pa rin siyang ibinibigay na update tungkol sa lady love niyang blogger/TV host/commercial/print ad model na si Maria Jazmine.

 

Hmmm, magkasama kaya sila sa pagdiriwang ng Pasko kahapon? (REGGEE BONOAN)