VATICAN CITY (Reuters) – Pinangunahan ni Pope Francis ang 1.2 bilyong Roman Catholic ng mundo sa pagsalubong ng Pasko noong Huwebes, hinikayat ang mga nalalasing sa kayamanan at superficial na pamumuhay na magbalik sa mahahalagang prinsipyo ng buhay.

Ipinagdiriwang ang Misa sa bisperas ng Pasko sa St. Peter’s Basilica, sinabi ni Francis, na ang Pasko ay panahon “[to] once more discover who we are”.

Sinabi niya na dapat pahintulutan ng lahat ang kasimplehan ng sanggol na si Jesus, isinilang sa kahirapan sa isang sabsaban sa kabila ng kanyang kabanalan, na mamuhay sa kanilang mga diwa at maging inspirasyon sa kanilang mga buhay.

“In a society so often intoxicated by consumerism and hedonism, wealth and extravagance, appearances and narcissism, this Child calls us to act soberly, in other words, in a way that is simple, balanced, consistent, capable of seeing and doing what is essential,” aniya sa kanyang homily.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsimula ang service para sa halos 10,000 katao sa St. Peter’s Basilica sa mahabang Latin chant, kilala bilang Kalenda, ang tradisyunal na proklamasyon ng pagsilang ni Jesus.

Kumalembang ang mga kampana ng St. Peter’s at hinalikan ng papa, nakasuot ng puting sotana, ang rebulto ng sanggol na si Jesus para simulan ang Misa.

Ipinaloob ng 79-anyos na Argentine pope sa kanyang homily ang ilang pangunahing tema ng kanyang papacy: mercy, compassion, empathy at justice.

“In a world which all too often is merciless to the sinner and lenient to the sin, we need to cultivate a strong sense of justice, to discern and to do God’s will,” aniya.

Tila pagod si Francis, na ngayong linggo ay nagkaroon ng trangkaso at paminsan -minsan ay napapaos sa pagsasalita.

Sinabi ng papa na tinatawag ng batang si Jesus ang lahat na muling pagnilayan kung paano nila tratuhin ang kapwa.

“Amid a culture of indifference which not infrequently turns ruthless, our style of life should instead be devout, filled with empathy, compassion and mercy, drawn daily from the wellspring of prayer,” aniya.

Sa Araw ng Pasko, ibibigay ni Francis ang kanyang tradisyunal na mensaheng “Urbi et Orbi” (to the city and the world) mula sa central balcony ng St. Peter’s Square.