Kinukumpirma ng Philippine Consulate sa Jeddah, sa pamamagitan ng kanyang area coordinator sa southern Saudi Arabia, kung mayroong Pilipino na nadamay sa sunog na lumamon sa Jazan General Hospital noong umaga ng Disyembre 24, 2015 na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 107.

Sinabi rin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose na sinisikap ng Consulate na kumpirmahin ang ulat na may tinatayang 20 overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa nasabing ospital.

Sinabi ni Jose na batay sa inisyal ngunit hindi pa kumpirmadong mga ulat mula sa Jazan, walang Pinoy na namatay sa sunog na nagsimula sa intensive care unit at maternity department ng ospital.

“Our emergency response team is getting ready to leave Jeddah,” sabi ni Jose sa isang text message na ipinadala sa mga mamamahayag. “If air travel is unavailable today, they will travel by land (9-10 hours).”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Iniimbestigahan na ng Saudi civil defense ang sanhi ng sunog. - Roy Mabasa