Inilabas ng ONE Championship ang implementasyon ng bagong weigh-in program kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng dehydration.
Ang anunsiyo ay ipinalabas sa gitna ng isyu hinggil sa biglaang pagkamatay ng Chinese flyweight fighter na si Yan Jian Bing noong Disyembre 11.
Ipatutupad ang bagong kautusan na ito simula sa Enero 2016.
Magugunitang binawian ng buhay si Yang habang dinadala sa ospital dahil sa matinding dehydration na resulta ng kanyang sapilitang pagbawas ng timbang para makapasa ito sa itinakdang timbang sa paglaban nit okay Geje Eustaquio sa Manila.
Ayon sa mga opisyal na nagsagawa ng awtopsiya at inilabas ng Philippines’ Office of the Civil Registrar General na atake sa puso ang naging dahilan ng biglaang pagkamatay ni Yang.
Ang bagong weigh-in program ay resulta ng long-term work na isinagawa ng ONE Championships’ medical and competition teams na kinabibilangan nina Chief Doctor Dr. Warren Wang, Chief Medical Advisor Dr. James Okamoto, Vice President Mr. Rich Franklin, Vice President of Operations & Competition Mr. Matt Hume, Global Athlete Services & Competition Director Mr. Richard Auty at China Athlete Services & Competition Director Mr. Vaughn Anderson.
Ang ilang detalye ng bagong inisyung weigh-in program ay makikita sa website ng ONE Championship.
Ayon kay dating Ultimate Fighting Championship (UFC) title holder at kasalukuyang ONE Championship Vice President na si Rich Franklin, ang bagong programa ay kinukonsidera ng kapwa kaligtasan ng fighter at performance ng mga ito.
“I’ve been through the process of weight-cutting by dehydration countless times and I know first-hand how it affects an athlete physically,” ani Franklin.
“I personally understand the importance of safety and competing at your very best as a professional MMA athlete and after reviewing the new regulations and policies governing the weigh-in procedures and contracted weight limits, this new program does both for our athletes.” - CNN Philippines