Ikinagulat ni Pangulong Aquino ang pagpanaw ng batikang mamamahayag na si Letty Jimenez Magsanoc, editor-in-chief ng Philippine Daily Inquirer, noong Bisperas ng Pasko.
Nagpahayag ng pakikiramay ang Pangulo sa naulilang pamilya at kaanak ni Magsanoc sa kanyang biglaang pagpanaw sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig bago maghatinggabi noong Disyembre 24.
“I am shocked by the sudden passing of Letty Jimenez Magsanoc,” pahayag ni Aquino sa isang kalatas.
“My thoughts and prayers are with her family and all her colleagues in the Philippine Daily Inquirer at this time of profound sadness and loss,” aniya.
Ayon kay Aquino, si Magsanoc ang pinagkukunan ng lakas ng lahat ng mga Pilipino na nagtataguyod ng kalayaan, demokrasya at maayos na pamamahala.
“One always knew that with her, the truth was the benchmark of a journalist’s efforts; and that in all that she did, there was no higher cause than the country’s welfare and that of our people,” ayon kay Aquino.
Inilarawan din ni PNoy si Magsanoc na isang prangkang tao na may malalim na kaalaman.
Nagsilbing editor ng Panorama Magazine ng Manila Bulletin Publishing si Magsanoc noong 1978 hanggang 1981 bagyo siya lumipat sa ibang pahayagan. - Madel Sabater-Namit