Muling hinihikayat ng mga opisyal ang publiko na isumbong ang mga driver na tumangging isakay ang mga pasahero lalo na sa holiday season.

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pasahero na madaling isumbong ang matitigas na ulo na mga taxi driver sa kanilang 24/7 hotline number ‘1342’ o sa pamamagitan ng mga LTFRB mobile at Viber number: 0917-550-1342 para sa Globe subscribers o 0998-550-1342 para sa Smart/Talk ‘n Text subscribers.

“We again encourage passengers to call and complain,” sabi ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton.

Samantala, tiniyak ni Inton na magpapatuloy ang Board sa pagpapadala ng mga grupo sa mga shopping mall sa Quezon City, Makati at Mandaluyong upang manmanan ang mga taxi driver na nang-iisnab ng mga pasahero.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagbabala ang LTFRB na ang mga taxi driver na mapatutunayang tumatangging magsakay ng mga pasahero ay parurusahan ayon sa batas. - PNA