ABUJA, Nigeria (AP) — Isang gas tanker truck ang sumabog sa isang mataong industrial gas plant sa Nigeria noong Huwebes, na ikinamatay ng mahigit 100 katao na pumipila para mag-refill ng kanilang mga cooking gas cylinder para sa Pasko.
Nangyari ang trahedya sa Nnewi, isang Christian community sa southeast Nigeria. Nang maapula ng mga bombero ang apoy, iniulat na mahigit 100 sunog na bangkay ang natagpuan.
Sinabi ng saksing si Emeka Peters na sumiklab ang sunog dakong 11 a.m. matapos kaagad na umalis ang tanker truck pagkalagay ng mga bagong gas sa Chikason Group Gas plant nang hindi inoobserba ang itinatakdang cooling time.
“The fire exploded like a bomb, and the whole gas station went up in thick, black smoke amidst an explosion from cooking gas cylinders,” sabi ni Peters. “Many people were killed, and most of them were those that had been in the station queuing all day to get their cylinders refilled.”