Masusing paghahanap ang ginagawa ngayon ng pulisya upang mahuli ang dalawang babae na umano’y responsable sa panloloob at pagnanakaw ng P30 milyong halaga ng kanyang alahas ni NBA New York Knicks forward Derrick Williams sa loob ng kanyang inuupahang apartment.

Sa report ng pulisya, nagkakahalaga umano ang mga alahas ng $617,000 o halos P30 milyon.

Nakakuha naman ang mga imbestigador ng surveillance video footage kung saan kitang-kita ang dalawang babae paalis sa isang club sa Manhattan noong disyembre 19 (Disyembre 20 sa Pilipinas).

Bago dito, nilooban muna umano ang bahay ni Williams sa TriBeCa neighborhood. Tumagal sila doon ng halos isa't kalahating oras.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Tangay ng mga suspect ang mga alahas gaya ng $50,000 diamond Rolex watch, tatlong diamond rings na nagkakahalaga ng $30,000 at tatlo pang 24-karat gold chains na nagkakahalaga naman ng $35,000.

Tumanggi naman magbigay ng komento si Williams sa nasabing pagnanakaw. - Bombo Radyo