Iniulat ng Department of Health (DoH) na umabot na sa 25 katao ang nabibiktima ng paputok hanggang kahapon, Araw ng Pasko.

Ayon sa Fireworks-related Injury Surveillance ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DoH-EB), mula sa walong kaso na naitala noong Disyembre 24, umabot na sa 25 ang bilang ng mga nasugatan kahapon.

Subalit sinabi ng DoH na ito ay mas mababa pa rin ng 56 porsiyento o 32 kaso kumpara sa mga naitalang firecracker related injuries mula 2010 hanggang 2014; at 47 porsiyento o 22 kaso na naitala sa kahalitulad na panahon.

Dalawamput apat mula sa 25 biktima ay kalalakihan na nasa edad anim hanggang 44.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“Hand injuries were sustained in 92 percent of the cases. Two or eight percent of the cases had eye injury….

Twenty-one or 84 percent were caused by piccolo, which is prohibited fireworks,” ayon sa ulat ng DoH.

Kabilang sa mga paputok na kanilang ginamit ay sparkler, kwitis, firework powder at boga.

Wala namang naiulat na nalason sa paputok o tinamaan ng ligaw na bala.

Samantala, karamihan sa mga biktima ng pagsabog ng piccolo ay kalalakihan na nasa edad anim hanggang 31, ayon sa DoH.