SA programang Tonight With Boy Abunda unang nagsalita si Angelia Ong after winning the Miss Earth 2015 crown sa Vienna, Austria weeks ago. “Well, to be honest, Tito Boy, lahat naman ng sumasali, they really want to win, and I really wanted to win. But, my struggle kasi is reigning (winner) kasi ang Pilipinas, so medyo mas doble ‘yung kailangan kong gawin na effort at hindi ko p’wedeng sabihin na hindi ako nag-doubt at some point. Pero nu’ng nag start na talaga ‘yung competition, doon ko talaga klinaim na akin,” bungad ni Angelia sa interview sa kanya ni Boy Abunda.
“Hindi ko siya nai-imagine na ‘pinapatong sa ulo ko, pero hindi ko din talaga siya ma-imagine na ipapatong sa kahit kaninong ulo - so akin siya.”
Paminsan-minsan ay may pag-aalinlangan siya sa sarili kung kaya ba niyang manalo. “To be honest, Tito, iniiyak ko talaga, kailangan ko siyang ilabas. Akala kasi ng iba dahil Filipino made ang Miss Earth at galing ako sa Pilipinas, madali for me. But ang hindi nila alam is mas doble nga ang kayod ko kasi knowing Carousel Productions, they’re very fair. Pagdating ko doon, I’m on my own, and I can only tell them so much, their hands are tied because they really want it to be as fair as possible, and I respect that. I think naman, hindi ibibigay ni God ‘yung mga challenges na ganito kung hindi ko kaya.”
Ani Angelia, malaking puntos ang naging sagot niya sa question and answer portion. Ang napiling tanong para sa kanya ay, “To formulate a slogan for the next 15 years of Miss Earth”. At ang kanyang sagot, “We will because we can.”
Tanong ni Kuya Boy, paano niya naisip ang kanyang isinagot?
“No’ng narinig ko po ‘yung question, Tito Boy, ‘yun talaga unang pumasok sa isip ko. Kasi no’ng Miss Earth Philippines pa lang ako, it was really my slogan, it was really my campaign already. So every time I would introduce myself and tell my advocacy, I would always say, ‘all things are feasible, all things are possible. We will, because we can.’ Kaya ko siya siguro nasabi with conviction and with truth... kasi sinasabi ko na siya more than a hundred times siguro, and by heart alam ko talaga na ‘yun talaga ‘yun.”
Dagdag pa ni Angelia, “‘Yung first sentence pa nga nu’ng question, hindi ko pa masyadong naintindihan. Hindi kasi siya ka-sing-clear sa stage.”
Pero agad niyang inintindi ang tanong.
“Kasi gusto ko talagang maintindihan ‘yung question. I believe, as long as you answer it with sincerity, at naintindihan mo siya, kayang-kaya mo talaga.”
Paano niya hina-handle ang bashers?
“When I won Miss Philippines Earth at inasam ko na ‘yung korona ng Miss Earth, alam ko na na darating ako sa point na magkakaroon ako ng bashers. ‘Cause, first and foremost, you can’t please anyone. So no’ng nanalo na ako, ang number one bashers ko ‘ata ay mga Latina. ‘Yung fans nila are very aggressive. They would go to my Instagram and would put, ‘fraud fraud fraud.’ Maraming masasakit na salita, pero hindi ko na lang p’wedeng sabihin na hindi ako nasaktan at some point, but iniisip ko na lang na kasama talaga ‘yun,” pagtatapos ni Angelia. (ADOR SALUTA)