Hindi na sisingilin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga may-ari ng sasakyan sa pagkuha nila ng bagong license plate kapag sila ay magri-renew ng plaka sa ahensya.

Ito ang naging hakbang ng LTO matapos lumabas ang kautusan ng Commission on Audit (CoA) na nagbabawal sa ahensya na ipatupad ang paninigil ng kapalit ng lumang plaka.

Tiniyak ng LTO na maibibigay nila kaagad sa mga motorista ang mga bagong standardized plate kapag naayos na nila ng CoA ang usapin.

Umaasa si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na “mareresolba ang isyu sa lalong madaling panahon.”

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“We are currently in the process of resolving the issue with the CoA regarding the Plate Standardization Program,” aniya.

Matatandaang sinimulan ng LTO ang paniningil para sa bagong plaka alinsunod sa Plate Standardization Program na ipinatupad noong Mayo 2014 para sa mga bagong rehistrong sasakyan.

Binatikos ng ilang motorista ang LTO dahil halos 10 na buwan ang lumipas ay hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang mga bagong plaka. (ROMMEL TABBAD)