Ni Angie Oredo

kobe bryantMuling nasilayan ang hindi mapigilang turn-around ni Kobe Bryant tulad ng isinasagawa nito ilang taon na ang lumipas.

Ipinakita rin nito ang nakapapagod na depensa kontra sa kalaban nakatulad ng kanyang ginagawa sa nakaraang taon.

Sa isang hindi inaasahang gabi, muling ipinakita ni Bryant bilang isang vintage Bryant. Gayunman, nanatili pa rin ang desisyon nito na magretiro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

‘’Zero. Not even an inkling,’’ sabi ni Bryant na pinantayan ang kanyang season high 31-puntos matapos itong hindi makalaro bunga ng masakit na balikat upang muling bitbitin ang Los Angeles Lakers at umahon mula sa 21-puntos na paghabol at mabigo sa Denver Nuggets, 111-107, Martes ng gabi.

Nagdagdag pa ito ng limang assist at pinamunuan ang matinding depensa upang pahintuin ang mainit ang laro at shooting ni Will Barton na nagtala ng 23-puntos sa unang hati bago tumapos na may 25 lamang.

‘’I can still play a little bit,’’ sabi pa ni Bryant na naglaro sa loob ng 32 minuto sa unang laban nito na magkasunod ang laro. ‘’It was a great test for me tonight to see if I could still play both ends of the floor.’’

Matatandaang inihayag ng 37-anyos na si Bryant noong nakaraang buwan ang kanyang pagreretiro matapos ang buong season kung saan nakatanggap ito ng malakas na hiyawan sa kanyang huling paglalaro sa Mile High City kabilang ang sigawan ng ‘’Kobe! Kobe!’’ sa papatapos na sandal.

Abante ng 103-100 sa huling 1:23 segundo ng laro, ipinasok ni Bryant ang kanyang 2 free throws at 1 jumper upang ipalasap sa Lakers ang ik-5 nitong panalo sa season kasama ang 23 kabiguan.

‘’He’s still a guy that sees the floor better than everybody,’’ sabi ni coach Byron Scott. ‘’He sees it in slow motion.’’