Nananawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lahat ng Pilipino na maging “environmentally thoughtful” sa pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagsunod sa “use less, waste less”.

Sinabi ni DENR Secretary Ramon J.P. Paje na dapat iwasan ng mga tao ang overindulgence at pagsasayang sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon upang mabawasan ang malalang epekto ng masayang panahon sa kapaligiran.

“Christmas is a time for family, friends, merry-making and gift-giving. Unfortunately, it is also the most wasteful time of the year, with millions of tons of food, packaging and unwanted gifts being thrown away each year,” daing ni Paje.

Pinaalalahanan ng environment chief ang publiko na maging mas matipid sa kanilang paggamit ng mga materyales, enerhiya, at sobrang pagkain upang kaunti lang ang matatapon at mabawasan ang dami ng basurang mapupunta sa mga landfill.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinimok niya ang lahat na mag-isip ng “eco-friendly ways to give gifts” at tangkilikin ang mga produkto na gawa sa recycled materials, nakalagay sa reusable packaging, at nagsusulong ng sustainable use ng natural resources.

Muli ring binigyang-diin ni Paje sa kanyang annual call of welcoming the New Year ang mga alternatibong paraan, maliban sa pagpapaputok na mapanganib sa kalusugan, buhay at ari-arian.

“As before, we urge the local government units or communities to assign common areas to set off firecrackers, both to reduce air pollution as well as promote safety from injuries and fires,” himok ni Paje.

Imbes na magdaos ng mararangyang party at magsindi ng maiingay at mauusok na fireworks, sinabi ni Paje na ang mga kumpanya at organisasyon “ [could] give back to Mother Nature” sa pagsasagawa ng charity work at pakikibahagi sa tree-planting o cleanup activities.- PNA