Ni REMY UMEREZ
TUWING sumasapit ang Pasko ay palaging lumulutang ang pangalan ni Sharon Cuneta. Naging tradisyon na para kay Shawie ang pagbabahagi ng kanyang blessings sa entertainment press na karamihan ay hindi reporters ang turing niya kundi kaibigan.Personal niyang sinusulatan ng Christmas wishes ang bawat card, isang bagay na buwan pa lamang ng Oktubre ay sinisimulan na niyang gawin. What is touching ay siya mismo ang sumusulat ng dedikasyon taun-taon. Sadyang pinag-aaksayahan niya ng panahon at pag-iisip ang Christmas message na tumutugma sa personalidad ng kanyang padadalhan. Kamangha-mangha kung paano niya ito ginagawa sa loob ng tatlumpung taong lumipas.
Last year ay may munting pagbabago, but just the same, the handwritten notes mula sa megastar ay hindi pumalya.
Wala kaming maisip na ibang sikat na artista na as generous and thoughtful as Sharon at may malaking pagpapahalaga sa kanyang mga kaibigan sa panulat. The one that comes closest to her marahil ay si Kris Aquino. Kilala ang pagiging generous ni Kris sa kanyang mga tapat na kaibigan, press people man o hindi.
Samantala, ikinatuwa ng marami ang pagbabalik Kapamilya ni Shawie bilang isa sa mga jurors sa matagumpay na Your Face Sounds Familiar. Marami pa rin ang umaasa sa muling pagbabalik pelikula ni Shawie sa pinakaaabangang tambalan nila ni Gabby Concepcion.
Ngayong Kapaskuhan ay ibinabalik namin ang pagmamahal na sa loob ng tatlong dekada ay ipinadama sa amin... ng one and only megastar Sharon Cuneta.