Isinusulong ang pagpapatayo ng mahusay at kanais-nais na health facility sa mga sikat na lugar na dinarayo ng mga turista.

Binanggit ni Rep. Erlpe John M. Amante (2nd District, Agusan del Norte), may-akda ng House Bill 6070 (Tourism Health Facilities Act), ang mga insidente ng pagkamatay ng ilang turista sa Boracay Island, Leyte, at Coron, Palawan ay dahil sa kakulangan ng malapit na pagamutan upang malunasan ang mga pasyente.

“These situations brought to fore the necessity in making the country’s tourist destinations more prepared and effective in dealing with emergencies and health-related crises,” ani Amante. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji