Nakatakdang magsalita ang ilang manlalaro ng National Basketball Association (NBA) upang ilunsad ang kampanya laban sa gun violence sa isang television campaign na magsisimula sa araw ng Pasko.

Ang NBA ay nagpartisipa sa pinakamalaking kontrobersiya ng American politics.

Ang 30-segundong public service announcement (PSA), ay inilunsad noong Miyerkules at nakatakdang ipalabas sa mismong games broadcast na pinangasiwaan ng Walt disney Co at pagmamay-ari ng ABC at ESPN networks. Kasama sa ipalalabas ay sina Stephen Curry ng Golden State Warriors, Carmelo Anthony ng New york Knicks, Chris Paul ng Los Angeles Clippers at Joakim Noah ng Chicago Bulls kung saan magsasalita ito ng kanilang mga personal na karanasan hinggil sa gun violence.

Ang PSA, ay pinamunuan ni filmmaker Spike Lee sa pakikipag-ugnayan nito kay dating New York Mayor Michael Bloomberg’s Everytown for Gun Control, kung saan nakipag-kasundo sila sa mga pro athletes at sa mga Amerikano sa sama-samang pagsasabi na, “In the United States, 88 people die of gun violence every day.” “Everytown.WeCanEndGunViolence.org.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Anila, ang “gun control” ay hindi nangyayari ng biglaan, na hindi rin nangangailangan ng atensiyon para sa partikular na pagbabago ng polisiya.

Isinusulong ang isang national reforms sa batas patungkol sa mga baril makaraan ang mass shootings, na nangyari sa Newtown, Connecticut, elementary school at ang Roseburg, Oregon. Ang community college ay nakipag-usap sa firm resistance sa Republican-controlled Congress.

Gayunman, sinabi ng mga sports marketing expert, na nag-eenjoy ang NBA stars upang makakalap ng suporta mula sa mga tagahanga at nakakakuha ng atensiyon sa publiko kahit na nga lubhang delikado ang kanilang estado na humarap at suportahan ang isyu.

“Certainly the point of these ads is ‘Don’t use guns. Guns probably are going to create a bad result,’” ang sabi ni Michael Cramer, “If you get enough people who are reached by that, the necessary next step is gun control legislation, which theoretically would have less opposition if you have more people in favor.”

“The players themselves are iconic within certain urban communities where there is gun violence,” ayon naman kay Ganis. “It’s not going to make a difference to gang bangers. But it might make a difference to the kids before they get into that life.” - Abs-Cbn Sports