MALIGAYANG Pasko sa lahat!

Sa kabila ng matinding epekto ng climate change at mga bagyong pumasok sa ating bansa, hindi naman tayo nabigo ngayong Pasko na makatanggap ng maraming biyaya.

Isa na roon ang karangalang napagwagian ng ating bansa sa pamamagitan ni Bb. Pia Alonzo Wurtzbach na hinirang bilang Miss Universe 2015 makalipas ang 42 taon. Tunay ngang karapat-dapat siya sa tagumpay. Umani pa ng paghanga si Pia nang magpahayag siya ng simpatya para kay Miss Colombia sa maling pagkakaanunsiyo sa kanya sa loob lamang ng ilang minuto.

Maligaya rin nating tinatamasa ang magandang panahon ngayong Pasko- malamig na mga araw at walang ulan, kahit pa tinataya ng PAGASA na sa pagpasok ng Bagong Taon ay may manaka-nakang pag-ulan at pagkidlat. Ang climate change, na isang parusa na ipinataw natin sa ating mga sarili bunga ng pang-aabuso sa ating kapaligiran, ay isang bagay na dapat nating pakibagayan at ayusin sa pamamagitan ng pagbabago.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gayunman, marami sa ating kababayan ang hindi gaanong mapalad upang matamasa ang Pasko ngayon. Sila ang mga kababayang nawalan ng mga tirahan at mga ari-arian dahil sa mga bagyong pumasok sa ating bansa partikular na ang bagyong ‘Lanao’ at ‘Nona’ sa Aurora, Quezon, Central Luzon, Northern Samar, Mindoro, Sorsogon, Masbate at Albay, at iba pa.

* * *

Tampok sa kolum natin noong nakaraang linggo ang epektibong Zero Casualty formula ng Albay sa mga panahon ng kalamidad. Ang minimithing Zero Casualty goal, gayunman, ay nabigo sa pagkakataong ito. Namatay ang ilang mangingisda nang pumalaot ang mga ito bago pa man ilabas ang babala sa pagdating ng bagyong Nona.

Nabigo man ang Zero Casualty ngunit ang integridad ng epektibong pormula nito ay nananatiling balido at solido. Hindi maiiwasan ang kalamidad kaya tinawagan ni Gov. Joey Salceda ang multi-awarded disaster emergency response group upang umayuda sa mga naging biktima ng Nona sa kalapit na Sorsogon. Sa pangunguna ni Dr. Nats Rempillo, isang beterano para sa maraming Albayano, upang ipagdiwang ang Pasko nang simple, ipinadala ang Team Albay sa mga mercy mission. Ang mga miyembro ng Team Albay ay nag-Pasko sa piling ng mga biktima ng bagyo sa maraming bayan sa Sorsogon. Sa kanila ang aking pamaskong pagsaludo.