Walang kinalaman ang Palasyo sa inilabas na desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskuwalipika kay Sen. Grace Poe bilang kandidato sa pagkapangulo sa 2016.

“In our system of laws, decisions on qualifications of presidential candidates are made by the Comelec and are appealable to the Supreme Court (SC) as the final arbiter,” pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr.

Tiniyak ni Coloma na nakikiisa ang Palasyo sa publiko na maresolba ang mga kontrobersiyal na isyu na patas at makatarungang pamamaraan.

“We join our people’s hope and trust that any decision that will eventually be rendered on the matter are imbued with fairness and justice,” ayon kay Coloma.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ay matapos ibasura ng poll body ang apela ng kampo ni Poe na payagan itong tumakbo sa 2016 presidential race. Kabilang si Poe sa mga kandidato sa pagkapangulo na nananatiling mataas ang posisyon sa iba’t ibang presidential survey.

Noong Disyembre 1, 2015, naglabas ang Comelec Second Division ng desisyon na nagdidiskuwalipika kay Poe dahil sa “false representation” sa kanyang citizenship at period of residency sa Pilipinas. - Madel Sabater-Namit