MagnificoHindi natitinag sa liderato si Mark “Magnifico” Magsayo makaraang hindi nakalalasap ng kabiguan sa Pinoy Pride 35 sa Cebu, City.

Ang sumisikat na si Magsayo ay nasa top-billing para sa kauna-unahang laban kung saan siya ang nangunguna sa headlines ng Pinoy Pride 35 sa Cebu sa darating na Pebrero.

Ang Tacloban-native ay nakatakdang harapin si Eduardo “Fierita” Montoya ng Mexico na may 14-4-1 pro record.

Si Montoya ay nananatiling walang talo sa 12 professional fights na may 10 panalo via knockout. Si Magsayo ay nakatakdang lumabas sa kanyang unang round knockout kay Yardley Suarez sa Pinoy Pride 34 sa Carson, California. Iyon ang magiging ikatlong knockout win ni Magsayo para sa taong 2015.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang 20-anyos na si Magnifico ay sinasabing isa sa mga top young guns ng Ala Promotions.

Tinaguriang “Stars of the Future,” isasalang din ng Pinoy Pride 35 ang dalawa sa mga batang ALA Boxing stars na sina “Prince” Albert Pagara at Kevin Jake “KJ” Cataraja.

Ang Pinoy Pride ay nakatalagang magbukas sa ika-27 ng Pebrero na gaganapin sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.- Abs-Cbn Sports