UNTI-UNTING tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa Cardiovascular disease (CVD), partikular na sa United States. Ayon sa pinakabagong update ng American Heart Association (AHA), umabot sa 801,000 ang mga namatay noong 2013 dahil sa cardiovascular disease, kabilang ang mahigit 370,000 may heart disease. At nasa 750,000 ang inatake sa puso noong taong ding iyon.
Base sa bagong update, pagsapit sa 40 taong gulang, ang tao ay may 1 mula sa 5 porsiyentong posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso habang sila ay nabubuhay.
Dahil dito, bumuo ang AHA ng Life’s Simple 7 checklist upang makaiwas sa sakit sa puso.
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Siguruhing mainam ang blood pressure (BP): Panatiling nasa malusog na range upang maiwasan ang kumplikasyon sa puso, arteries at kidney.
2. Control cholesterol: ang mataas na cholesterol ay may masamang dulot tulad ng pagbabara sa ugat na nauuwi sa sakit sa puso at stroke.
3. Reduce blood sugar: karamihan sa ating mga kinakain ay nagiging glucose, o blood sugar, na magagamit para sa sapat na enerhiya. Ngunit, ang labis na blood sugar ay nakasisira sa puso, kidney, mata at ugat.
4. Get active: ang pagiging aktibo sa pisikal na mga aktibidad ay nakakapagpahaba at nakakapagpasigla ng buhay.
5. Eat better: ang heart-healthy diet ay nakakapagpagaan ng pakiramdam at pananatiling malusog.
6. Lose weight: ang pagpapababa ng timbang ay nangangahulugan ng pagbawas ng bigat sa puso, lungs, blood vessels at skeleton.
7. Stop smoking: ang mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng cardiovascular disease.
Pinag-aralan ng mga researcher, sa pangunguna ni Dr. Matthew Nayor, isang cardiologist sa Boston’s Brigham at Women’s Hospital sa Massachusetts, ang mga datos mula sa Framingham Offspring Study upang i-evaluate ang kaugnayan ng Simple 7 at sakit sa puso.
Ayon naman kay Vanessa Xanthakis, PhD, senior author at assistant professor ng medicine and biostatistics sa Boston University:
“Even though there is awareness about the importance of a healthy lifestyle, many people do not act on those messages. This study points to the importance of knowing your numbers and speaking to your doctor about improving your score on each health metric and trying to get as close to ideal status as possible.” - Medical News Today