Isang dating pulis ang dinakip makaraang ipagharap ng kasong pagdukot at panggagahasa sa isang 15-anyos na babae sa Sipocot,Camarines Sur.

Nakapiit ngayon sa Sipocot Municipal Jail si Henry Quiñones, residente ng Basud, Camarines Norte, makaraang ipagharap ng kasong pagdukot at panggagahasa ng biktimang taga-Barangay Tara sa Sipocot.

Sinabi ni Senior Supt. Marlon Tejada, regional director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 5, na nadakip ang suspek matapos makatakas ang dalagita mula sa hotel na tinuluyan nila.

Kaaagad na nagpatulong sa mga residente sa Bgy. Tara ang dalagita.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis matapos mag-report ang biktima hanggang sa nadakip ang suspek.

Ayon kay Tejada, mula sa Antipolo City, Rizal ay tinangay ng suspek ang biktima, dinala sa Camarines Norte at doon hinalay.

Matapos i-verify, napag-alaman na dating pulis ang suspek na nag-absent without official leave (AWOL) kaya tinaggal sa serbisyo.

Nakumpiska sa suspek ang isang pekeng PNP ID, baril at magazine na kargado ng mga bala.

Kakasuhan si Quiñones ng abduction with rape, usurpation of authority at using of fictitious name, at illegal possession of firearms.

Nabatid pa sa pulisya si Quiñones ay ikaapat na most wanted sa Camarines Norte at nahaharap sa iba pang kaso sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen. - Fer Taboy