Aguilar at Tenorio vs. Romeo (PBA photo)
Aguilar at Tenorio vs. Romeo (PBA photo)

Mga laro ngayon

Mall of Asia Arena 4:15 p.m. – Globalport (5) vs Barako Bull (8)

7 p.m. – Star (9) vs Brgy. Ginebra (4)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kung ang diwa ng Pasko ay pagbibigayan, hindi mangyayari ang ganito sa mismong araw ng Pasko sa apat na koponang maglalaban- laban sa pagsisimula ng 2016 PBA Philippine Cup quarterfinals sa MOA Arena sa Pasay City.

Baon ang insentibong twice-to-beat dahil sa pagtatapos na No.4 at No.6 na koponan sa elimination, tatangkain ng Barangay Ginebra at Globalport ang kani- kanilang katunggali na pagbakasyunin ng maaga sa simula ng two-phase quarterfinals.

Makakasagupa ng 5th seed Globalport ang No. 8 Barako Bull sa unang laban ganap na 4:15 ng hapon habang makakalaban ng No. 4 Barangay Ginebra ang No. 7 Star sa isa na namang Manila Clasico encounter ganap na 7:00 ng gabi.

Kung magwawagi ang Batang Pier at Kings at uusad sa second phase ng playoffs para sa isang seat sa best-of-7 semifinals kung saan naghihintay na ang Alaska at defending champion San Miguel Beer na awtomatikong umusad sa semis makaraang tumapos na 1-2 sa nakaraang elimination.

Sa kabilang dako, magkukumahog naman ang Energy at Hotshots na makapuwersa sa do-or-die matches.

Kung pagbabasehan ang kanilang nakaraang head to head sa elimination round, mukhang maagang mag-eempake ang Barako Bull habang may nasisinag namang kaunting pag-asa ang Star.

Pinataob ng Globalport ang Barako Bull sa overtime, 105-91, noong Nobyembre 8, habang tinalo ng Star, sa unang laro nila kontra sa dating coach na si Tim Cone, ang Barangay Ginebra, 86-78, noong Oktubre 25.

Ngunit kapwa nais makasiguro ng Globalport at Barangay Ginebra.

“Going to the playoffs, kailangan matibay kami, nagtutulungan para maganda ang takbo,” ayon kay Globalport coach Pido Jarencio.

“I’m not looking forward to it all because a Christmas Day game is always difficult with so many distractions,” pahayag naman ng two-time Grand Slam champion coach na si Cone. “But they’re a team in our way and we’re in their way so both of us gotta go out there and win.”

Sa kabila ng taglay nilang bentahe, ayaw ni Cone na magdaan pa sa sudden death match.

“They know what being in the playoffs requires, and they know how to get ready and get the job done,” ani Cone. “Of all the teams out there, I think they’re the toughest because they’re veterans. Sure, twice to beat is an advantage, but if you lose that first game, then there’s a lot of pressure to win the second one.”

Hindi rin naman basta basta susuko na lamang si Jason Webb, ang dating De La Salle star at Star assistant coach na pumalit kay Cone.

“We know we’re the underdog at this point, but at least we still got a fighting chance. And for us, we’ll take whatever chances that will come our way,” ani Webb. “I think the key for us is to control the pace of the game. We’ll be able to do that if we are able to compete in rebounding, that way we can use our speed and run to compensate for our lack of size.” (Marivic Awitan)