Malungkot ang pagsalubong sa Pasko ng tatlong pamilya sa Sta. Mesa, Manila matapos silang masunugan at mawalan ng tahanan sa mismong bisperas ng Pasko, kahapon.

Sa ulat ng Manila Fire Department, unang nasunog, dakong 9:00 ng umaga, ang ikalawang palapag na nagsisilbing bodega ng isang three-storey apartment sa V. Mapa Street sa Sta. Mesa, na pag-aari ng pamilya Fortich.

Dahil sa kalumaan ng istruktura at dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at nadamay din sa sunog ang isang bahay sa katabing compound.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire-out makalipas ang isang oras.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Wala namang nasaktan sa sunog. -Mary Ann Santiago