Dalawampu,t apat na mga batang swimmer ang nagpakita ng husay sa paglangoy matapos na maabot ang mga itinakdang standard time ng internasyonal na asosasyong FINA o Federation Internationale de Natation sa ginanap na 2015 Speed National Short Course Swimming Championships sa Valle Verde Country Club.
Sinabi ni Philippine Swimming Inc. (PSI) Technical Committee member Richard Luna na nakamit ng mga batang swimmer ang ipinapatupad na AAAA time standard na basehan para makapagkuwalipika at makasali sa mga internasyonal na torneo na kinikilala ng FINA.
“Ang PSL kasi ang lone recognized national sports associations dito sa atin kaya our swimmers are given this kind of tournament for them to maintain such standard in their performance for them to be able to join or compete in all events and tournaments sanctioned by the international federation,” sabi ni Luna.
Ilan sa nakapasa sa time standard ay sina Charles Johnuel Arceo sa Boys 13-Under 50m Breast (33.21s) at Rafael Dela Torre sa Boys 16-Under 50m Breast (32.29s) na kapwa mula sa Ace Seawolves Swim club habang si Marco Austriaco ng Alabang Country Club Gators ay nakapasa Boys 13-Under 50m Butterfly (28.92s).
Ang magkapatid na Rafael at Miguel Barreto na kabilang sa Ayala Harpoons ay kasama din sa nakakuwalipika. Si Rafael ay pasado sa Boys 15-U 50m fly (26.08s) habang si Miguel sa Boys 12U 400m IM (5:14.84s).
Kasama din sa pasado sina Dhill Anderson Lee ng Corinthian Seals Team sa Boys 19-Over fly (55.74s), Bryan San Diego ng D’Aceseahawks sa Boys 13U 50m back (29.64s); Franco Dela Rosa ng De La Salle Zobel sa boys 14U 50m breast (33.90s) at 50m back.
Tatlong best time ang itinala ni Maurice Sacho Ilustre ng De La Salle Zobel sa Boys 16U sa 200m free (1:54.34s), 50m breast (31.89s) at 50m fly (25.89s) habang si Aryan Israel Anastacio ng Golden Flippers sa Boys 13U 50m breast ay may 33.89s.
Pasado din si Sean Gabriel Cruz ng Green Archers Swim Club sa Boys 13U 50m breast (33.40s), Camille Lauren Buico ng Marikina Swimming Club sa Girls 12U 100m fly (1:06.54s), Regina Maria Paz Castrillo ng PCA Stingray sa Girls 15U 50m breast (31.24s) at Joshua Taleon sa Boys 16U 50m fly (31.24s).
Nakasama din ang mula QSCS Buccaneers na sina Kyle Barraza sa Boys 14U 50m breast (33.15s) at Kirsten Chloe Daos sa Girls 16U 50m fly (29.61s) gayundin si James Dominic Manese sa Boys 12U 50m fly (28.96s) at si Christian Sy ng St. Stephen High sa Boys 14U 50m breast (33.43s), 50m fly (28.45s) at 50m back (28.84s).
Apat ang best time ni Xiandi Chua sa Girls 14U 50m breast (36.11s), 200m free (2:07.58s), 50m fly (29.79s) at 400m IM (5:05.01s) habang si Raphael Santos ay pasado sa Boys 12U 100m fly (1:06.23s), 100m free (59.49s) at 50m fly (29.66s). Si Mikhail Andre Ramones ay nagtala ng best time sa Boys 1U 50 fly (29.26s).
Ang Valle Verde Aqua Lasers ay umasa kina Andrae Miguel Pogiongko sa Boys 16U 50m fly (26.37s) at Emilio Jose Viovincente sa boys 14U 50 breast (32.71s) habang ang Xavier School Swim Team ay umasa kay Keane Cedric Ting sa Boys 14U 50m fly (28.77s) at 50m back (29.87s). - Angie Oredo