Nadakip ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na wanted sa mga kasong kidnapping with serious illegal detention sa loob ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Zamboanga City nitong Miyerkules ng hapon.

Sa pinagsamang operasyon ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng PNP at AFP, nahuli ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na “Commander Suhod” at “Abu Haris” na isinasangkot sa Golden Harvest Plantation kidnapping sa bayan ng Lantawan sa Basilan noong 2001. Dalawa sa 15 biktima ang pinugutan.

Ayon sa report ng pulisya, inaresto ang mga suspek habang pababa sa M/V Anika matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na kabilang sila sa mga pasahero ng barko. - Fer Taboy

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente