Ang Pilipinas ang unang bansa sa Asia na inaprubahan ang pagbebenta ng world’s first-ever dengue vaccine.

Ang Dengvaxia, gawa ng French pharmaceutical giant na Sanofi, ay nakuha ang regulatory approval sa Mexico ilang araw na ang nakalipas at kasalukuyang pinag-aaralan ng halos 20 bansa sa Asia at Latin America.

Umaasa ito na ang droga ay makatutulong upang maiwasan ang milyun-milyong namamatay dahil sa dengue, ang world’s fastest-growing mosquito-borne disease.

Sinabi ng World Health Organization na umaabot sa 400 milyong katao ang nahawaan sa buong mundo bawat taon, at two-thirds ay sa Asia.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“It’s a major step in the prevention of dengue and for public health,” sinabi ni Olivier Charmeil, pinuno ng vaccines division ng Sanofi, sa isang pahayag.

Matagal nang natutuliro ang mga scientist sa dengue, na mayroong apat na magkakahiwalay na strain, napipilitan ang mga mananaliksik na maghanap ng droga na kayang labanan ang lahat ng ito.

Natuklasan sa mga clinical test — isinagawa sa 40,000 katao mula sa 15 bansa — na kayang i- immunize ng Dengvaxia ang two-thirds ng mga taong nasa edad siyam na taon at pataas, tumataas ng hanggang 93 porsyento para sa mas malalang uri ng sakit, ang dengue haemorrhagic fever.

Napatunayan din na nababawasan nito ang panganib na maospital ng 80 porsyento.

Ang dengue ay maaaring magdulot ng nakalulumpong lagnat, matinding pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan. Wala pa itong lunas, at ang mga bata ang pinakamahina rito.

Ang pinakamapanganib na uri ng sakit ay pumapatay ng 22,000 katao bawat taon, sinabi ng WHO. (Agence France-Presse)