NGAYONG Sabado, December 26, panoorin sa I-Witness ang kuwento sa likod ng puto-bumbong na ibinebenta ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Paris, France.

Dalawang linggo makalipas ang pag-atake ng mga terorista sa Paris, kinamusta ni Howie Severino at ng kanyang documentary team ang kalagayan ng mga Pilipino sa City of Lights.

Sa pangunahing siyudad ng isang bansang nangangamba, nakilala nila ang isang OFW na tuwing day-off ay gumagawa ng isang meriendang Pinoy na hinahanap-hanap lalo na tuwing Pasko: ang puto-bumbong.

Sinundan ni Howie mula sa pagawaan sa loob ng munting tirahan ang paghahatid ng puto-bumbong sa iba’t ibang nangungulilang kababayan. Sa bawat paghahatid, may kapalit na kuwentong pabaon. Pero sa huli, ang kuwentong pinamakirot ay mula mismo sa gumagawa ng puto-bumbong.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Huwag palampasin ang pamaskong episode na ito ng 2015 PMPC Star Awards for TV’s Best Documentary Program I-Witness ngayong Sabado, 10:30 PM, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA-7.