NGAYON ang bisperas ng Pasko, dakilang araw ng kapangakan ng Mesiyas na tumubos sa sa mga kasalanan ng sanlibutan.

Ipagdiwang natin ang Pasko nang taimtim at hindi para maghintay ng regalo mula kay Santa Claus o kanino man. Ang Pasko ay pang-espirituwal na okasyon, hindi puro materyal o kaya’y pagkain ng masasarap na handa katulad ng litson, sinigang na hipon, bulalo at iba pang ma-cholesterol na pagkain na posibleng maging dahilan ng sakit. Magdasal tayo at magpasalamat sa Diyos!

Bagsak ang public satisfaction ratings ng matataas na leader ng bansa sa pangunguna nina Sen. President Franklin Drilon at VP Jojo Binay na noon ay napakataas bago ang corruption charges laban sa kanya. Maging ang grado ni PNoy ay sumadsad din. Bukod sa kanila, bagsak din ang satisfaction ratings nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Speaker Feliciano Belmonte Jr,.

Sa naging resulta ng Fourth Quarter 2015 Social Weather Stations Survey on Public Satisfaction, ay nagpakita rin sa pagbagsak ng ilang sangay ng gobyerno, gaya ng Senado, Kamara, Supreme Court, PNoy cabinet, at iba pa. May 1,200 respondents ang tinanong tungkol sa performance ng mga ito. As usual, ako ay naghihintay na ma-interview pero walang dumating sa lugar ko.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), may 1.8 milyong elementary students ang undernourished o kulang sa sustansiya ang katawan. Dahil dito, nag-utos si DepEd Sec. Armin Luistro na mag-release ng P1.4 bilyon para sa implementasyon ng 2nd trance ng school-based feeding program (SBFP) para bigyan ng sustansiya ang mahigit isang milyong undernourished students sa buong bansa.

Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte naman ang napagbalingan ng pansin ni Boy DQ, este defeated senatorial bet Rizalito David, na idiskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec). Nais niyang ma-disqualify ang alkalde at ideklara ng Comelec na ang substitution niya kay Martin Diño ay “null and void.” Naku Mr. David, baka ikaw naman ang pagbalingan ng mura ni Mayor Digong at akusahang nanggugulo lang sa 2016 presidential election dahil ikaw ay idineklarang “nuisance candidate” ni Mang Andres (Chairman Andres Bautista).

Sa kanyang petisyon sa Comelec, sinabi ni David na hindi kuwalipikado si Duterte na pumalit dahil ang inilagay ni Diño sa kanyang certificate of candidacy (CoC) ay bilang mayor ng Pasay City, gayong ang target naman ni Digong ay pagkapangulo.

Kapag nadiskuwalipika ni Rizalito sina Sen. Grace Poe at Mayor Digong sa pagtakbo sa panguluhan, ang matitira na lang ay sina Roxas, Binay at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Isasama pa ba natin sa labanan si ex-Amb Roy Senerez na ngayon ay isang kongresista? (BERT DE GUZMAN)