Disyembre 24, 1777 nang madiskubre ng British explorer na si James Cook ang Kiritimati Island, kilala rin bilang Christmas Island, na ngayon ay isa sa mga islang matatagpuan sa Republic of Kiribati. Sinulat ni Cook sa kanyang journal na ang ilan sa mga coco nut trees ay makikita sa dalawa o tatlong lugar.

Ang isla ay may lawak na 642 kilometro kuwadrado bilang isla, pinakamalawak na Atoll sa mundo, at inookupahan ng mahigit 70 porsiyento ng lupain ng Kiribati.

Nagsilbing pahingahan ng mga migratory birds ang Kiritimati na nililipad ang Pacific, at magandang lokasyon para sa guano extraction.

Nagsimulang angkinin ng United Kingdom ang isla noong 1865. At taong 1898, narentahan ng Pacific Islands Company ang isla sa loob ng 99 taon at nagsimulang mag-export ng kopra.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’