VIGAN CITY, Ilocos Sur – Iniulat kahapon ng Department of Health (DoH) na dalawang bata mula sa Ilocos Sur ang huling nasugatan sa paputok, kaya nasa 11 na ang naputukan sa Ilocos Region bago pa ang selebrasyon ng bisperas ng Pasko mamayang gabi.

Sinabi ni Dr. Anafe Perez, senior health officer ng DoH-Region 1, na kabilang sa mga biktima ang isang walong taong gulang na taga-Bantay, Ilocos Sur; at isang 10-anyos mula sa Magsingal, Ilocos Sur.

Ang biktima mula sa Bantay ay nasugatan sa kamay sa pagsabog ng piccolo, habang sa mata naman nagtamo ng sugat ang taga-Magsingal dahil sa pagsabog ng “bongbong” o bazooka na gawa sa kawayan. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente