LAUR, Nueva Ecija - Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang 52-anyos na inhinyero ng pamahalaang bayan ng Laur makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Laur-Gabaldon Road habang pauwi galing sa Christmas party sa munisipyo nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Laur Police ang biktimang si Engr. Jonathan Liwag y Marcos, may asawa, municipal engineer, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Afredo D. Binuya, dakong 11:50 ng gabi at pauwi na ang biktima sakay sa kanyang Army type jeep (WRB-710) nang malapitang pagbabarilin ng mga suspek.

Nagpaese-ese ang jeep bago bumangga sa isang puno at tuluyang nahulog sa irrigation canal. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide