BINATI ni Miss Colombia Ariadna Gutiérrez ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Miss Universe, ngunit hindi niya binanggit ang pangalan ng 2015 queen na si Pia Alonzo Wurtzbach sa kanyang post sa Instagram.
Nagpaskil ang Miss Universe first runner-up sa kanyang Instagram account ng mensahe na nagpapasalamat sa mga nagpaabot ng suporta sa kanya. Nagpaskil siya ng dalawang litrato, na ang isa ay may Spanish caption at ang isa naman ay sa English, sa kanyang official Instagram account noong Miyerkules (December 23 PHT).
“My destiny was this. I was able to bring happiness to my country after becoming Miss Universe for only a couple of minutes,” aniya.
Binati niya ang Pilipinas sa pagkakapanalo sa Miss Universe.
“I also want to congratulate the Philippines for their new Miss Universe. The happiness that you must be feeling must be incredible. Life continues and in the future we will find out why things happen the way they happen,” aniya.
Narito ang kabuuang mensahe ni Ariadna sa @ gutierrezary: “After the storm comes the calm. I want to thank each and every one of you who have sent messages of support and strength. Every one of you has become an incredible human being in my book and I am the most fortunate and thankful for having the support not only from one country but from the whole entire world. Your destiny is written for you. And my destiny was this. I was able to bring happiness to my country after becoming Miss Universe for only a couple of minutes... Today because of that COLOMBIA and the LATIN COMMUNITY are being talked about in every corner of the world. I also want to congratulate the Philippines for their new Miss Universe. The happiness that you must be feeling must be incredible. Life continues and in the future we will find out why things happen the way they happen. Thank you all for your LOVE SUPPORT and KINDNESS. “
Isang araw bago ipinaskil ang mensaheng ito, nairita ang ilang netizens kay Ariadna nang mag-post siya ng mga
litratong suot niya ang Miss Universe crown na may hashtag na “#backtoback,” habang yakap si 2014 Miss Universe Paulina Vega, na nagmula rin sa Colombia.
Sa ginanap na 64th Miss Universe pageant noong Disyembre 21 (Monday, PHT), unang idineklara ng host na si Steve Harvey na si Miss Colombia ang nagwagi, ngunit mabilis niya itong binawi nang malamang nagkamali siya ng pagbasa sa cue cards.
Si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach ang tinanghal na reyna ngayong taon. (CNN Philippines)