UMAMIN si Karla Estrada kay Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda na pinag-iisipan niya ang pagpapakasal nila ng kanyang boyfriend for five years na si Marc Yatco.
“Of course we talk about it kasi we’re in our 40s, I mean, hindi naman na kami mga bata, ano. Pero ganoon pala ‘yun, mas plinaplano, mas hindi namamadali, kasi mas alam n’yo na at mas nag-iisip na kayo. So ako naman parang ang hirap na ulit na masawi at iibig ka na namang muli,” pahayag ni Karla.
Sa loob ng limang taon, malaki na ang tiwala nila sa isa’t isa.
“Tiwala, sobrang tiwala,” she said. “Kasi sa lahat, ‘no, ako aminado talagang kinulang ako ng pagtitiwala sa lahat ng naging ama ng mga anak ko. Dahil nakita ko naman na hindi naman kanilang kasalanan lahat ‘yun, mayroon din akong share of my mistakes.”
Aminado si Karla na pinatulan niya ang bashers na nagsabing sumikat siyang muli dahil sa anak niyang si Daniel Padilla.
“Hiyang-hiya naman ako. Hindi ba’t mas mahirap kung gamitin mo ang ibang tao? Kung ‘yung anak ko yun, wala tayong karapatang sabihing ginagamit ko. Dahil, unang-una, ako nagdala nu’n ng siyam na buwan. So kung ano man ang gusto kong gawin para sa kabutihan niya, ako lang may karapatan nu’n. So kung sumunud-sunod man ako sa kanya at lagi akong kasama, ina niya ako at wala na tayong magagawa doon at hindi n’yo na po mababago ‘yun,” malinaw na pahayag ni Karla.
Anu-ano ang mga pangaral niya sa anak na sikat na sikat ngayon?
“Sabi ko kay Daniel, kahit sino anak, lapitan mo. Huwag kang maghintay na tumingin siya sa ‘yo at magpapansin.
Hanggang saan man ako makarating, ipaglalaban ko na may mabuting puso at mabait na tao (si Daniel).
“Hanggang ngayon, every time uuwi siya from Pangako Sa ’Yo, like everyday he works, right, so kahit anong oras ‘yan, three AM man siya makarating sa bahay, papasok ‘yan sa kuwarto ko. Papasok siya sa kuwarto ko at hahalikan ako na, ‘Ma, goodnight, andito na ako.’ So, minsan ‘di ko na kayang sumagot pa, pero ramdam ko na lagi niya akong hinahalikan. Hanggang ngayon ‘yan, at kahit si Carmela at si Maggie iikutin niya ‘yung dalawa niyang kapatid,” kuwento ni Karla sa kinaugalian nang gawin ni Daniel.