Nabuhayan ng loob ang magkatambal na kandidato ng Liberal Party na sina Mar Roxas at Leni Robredo sa resulta ng pinakahuling survey sa pag-asang sila ang susunod na mangunguna sa “totoong survey” na magaganap sa Mayo 9, 2016.

“Tulad ng dating sinasabi ko, ang pinakaimportanteng survey ay sa Mayo, Araw ng Eleksiyon,” pahayag ni Roxas.

“Nagkaroon ng iba’t ibang resulta: Noong nakaraang buwan ay si Grace Poe (ang nanguna sa survey), nitong nakaraang linggo ay si (Davao City Mayor Rodrigo) Duterte, at ngayon ay si (Vice President Jejomar) Binay,” ani Roxas.

“Baka sa susunod ay ako na,” dagdag niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Lumitaw sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na nabawi ni Binay ang No.1 slot matapos umani ng 33% habang ang nasa ikalawang puwesto ay sina Poe at Duterte.

Si Roxas, na inendorso ni Pangulong Aquino, ay nasa ikatlong puwesto.

Samantala, table naman sina Binay at Poe sa No.1 slot sa pinakahuling survey ng SWS habang si Roxas ay nasa ikalawang puwesto.

Sa isang kalatas, sinabi ng Liberal Party na napatunayan sa survey result na marami pa ring maaaring mangyari sa larangan ng pulitika, lalo na kapag nag-umpisa na ang panahon ng kampanya sa susunod na buwan.

“What is clear here is that a substantial number of Filipinos are still deciding on which candidate to support, and a lot can still change before May 2016,” pahayag ni Rep. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Liberal Party.

(Aaron Recuenco)