Sa kasalukuyang ginaganap na National Basketball Association (NBA), si Kobe Bryant ay nasa proseso ng pagbubuo ng magandang imahe sa kanyang tanyag na karera.
Sa maraming kampeonato at indibiduwal na parangal na kanyang nakamit simula ng panahon na nakasama siya sa mga liga na halos dalawang dekada na, si Bryant ang isa sa iilan na puwedeng itabla o ikumpara kina Michael Jordan at LeBron James.
At walang duda, na ang dalawang nabanggit na kabilang sa mga tinaguriang “The Black Mamba” ang mga sinabing pangalan ni Bryant na mga “Top Player.”
Ang limang top players na binanggit ni Bryant sa conference call na ginanap noong Martes ay sina Hakeem Olajuwon, Michael Jordan, Kevin Durant, LeBron James, Clyde Drexler.”
Ang lifetime Los Angeles Laker ay nagkaroon ng playoff wars kina Hakeem Olajuwon at Clyde Drexler ng Houston Rockets gayundin kay Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder. Sa kabilang banda, sina Jordan at James naman ang madalas na mabanggit kapag napag-usapan na si Bryant.
Si Jordan lamang ang naisama sa listahan na siguradong makasasama sa Hall of Fame kabilang din ang kanyang koponan at ang pinakamahigpit nitong mga kalabang team.
Sa pagbanggit sa koponan ni Jordan na Chicago Bulls, nabanggit din ang dynastic San Antonio Spurs, ang 00’s Sacramento Kings, ang 2004 Detroit Pistons, at ang 2008 Bostons Celtics bilang mga squad na mga koponan na lubhang pinahirapan si Kobe at ang kanyang team.
Mabilis namang ipinaliwanag ni Kobe na mas maraming matitikas na mga player at magagaling kesa sa kanya. Kabilang sa mga binanggit nito sina Tim Duncan, Manu Ginobili, at Tony Parker; Peja Stojakovic at Chris Webber; Chauncey Billups, Rip Hamilton, Ben Wallace, at Rasheed Wallace; at Ray Allen, Kevin Garnett, at Paul Pierce. (Abs-Cbn Sports)