Sa tinagal-tagal ng kanilang pagsasama na nagbunga ng isang grandslam championships, kung mayroon mang higit na nakakikilala sa mga miyembro ng Star Hotshots team- ito ay walang iba kundi ang kanilang dating headcoach na si Tim Cone na ngayon ay hawak na ang kanilang nakatakdang makalaban na Barangay Ginebra Kings.

Naniniwala si Cone na hindi nila puwedeng basta-basta na lang isantabi ang Hotshots.

Ang kasalukuyang hinahawakang koponan ni Cone na Kings na nasa No. 4 squad ang makahaharap ng Star Hosthots na No. 9 sa bentaheng twice-to-beat na pumasok ng quarterfinals.

Dahil batid ni Cone na kung may koponan na kayang magpakita ng sorpresa sa darating na playoffs na sisimulan sa mismong araw ng Pasko-Disyembre 25, ito’y walang iba kundi ang Hotshots na nasa ilalim na ngayon ng paggabay ng dating protege ni Cone na si Jason Webb.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Hotshots sa pangunguna ng core nito na sina Marc Pingris, James Yap, PJ Simon at Marc Barroca ay hindi kataka-taka na makapagtala ng isang upset.

“Those Purefoods players obviously know how to play in the playoffs, they know how to get themselves ready for the playoffs,” ani Cone. “Of all the teams out there, I think they’re the toughest teams because they are veterans, and they know how to play and they can put a couple of good games together.”

Bagama’t naniniwala siyang may malaking kalamangan ang koponang may twice-to-beat incentive, minsan, aniya ang ganitong bentahe ay nagiging liability.

Minsan, ang pahayag pa ni Cone, nagkakaroon ng pag-iisip na makampante ng mga manlalaro ng koponang may twice-to-beat dahil puwede silang matalo at bumawi na lamang sa susunod na laro.

“Hopefully, I can be a little smarter and be a warning for our players not to take things lightly,” ayon kay Cone.

Ayaw na ni Cone na maulit ang “disaster” na nangyari sa kanya noong headcoch pa siya ng Star kung saan pumasok silang No.1 team at tinalo sila ng No.8 team Powerade Tigers.

“I hope history doesn’t repeat itself,” dagdag pa ni Cone. (Marivic Awitan)