Naghain ng resolusyon ang dalawang senador para magpaabot ng pagbati at parangalan si Pia Alonzo Wurtzbach sa pagkakapanalo niya kamakailan sa prestihiyosong 64th Miss Universe sa Amerika.

Inihain ni Senate President Franklin Drilon ang Senate Resolution No. 1698 na nagbibigay ng parangal sa 26-anyos na beauty queen mula sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental dahil sa positibo nitong ugali at matatag na determinasyong isakatuparan ang pangarap na iuwi ang koronang naging mailap sa Pilipinas sa nakalipas na 42 taon, matapos nitong talunin ang 79 na iba pang mga kandidata.

“The Filipina beauty queen’s positive attitude and strong determination to fulfil her dream of winning the 2015 Miss Universe title are indeed positive example and great inspiration to her countrymen, particularly the youth, that no dream is impossible as long as he or she put his or her heart and mind in it,” saad sa resolusyon ni Drilon.

“Her firm belief that being a Miss Universe is both an honor and a responsibility to humanity as well as an opportunity to show the universe that she is confidently beautiful with a heart is a clear manifestation of her deep concern over the fate of her fellowmen,” bahagi pa ng resolusyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“For winning the Miss Universe crown, which was last worn by a Filipina 42 years ago, she has brought great honor and glory to the country and the Filipino people worthy of the praise and commendation of this august chamber.”

Naniniwala naman si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na kapalaran at determinasyon ang naging dahilan ng pagkakapanalo ni Wurtzbach matapos ang tatlong beses na paglahok.

Pinuri rin ni Pimentel ang “tremendous poise and grace displayed” ni Wurtzbach sa kabila ng pagkakamali sa pagdedeklara ng nanalo. (HANNAH TORREGOZA)