102515_ginebra vs star_01_ernie sarmiento copy

Hotshots vs. Ginebra.

Bukas, sa mismong araw ng Pasko, ay pormal nang sisimulan ang “play offs” o quarterfinal round ng 2016 Philippine Basketball Association (PBA) Cup sa Mall of Asia (MOA) Arena, sa Pasay City.

Tampok sa nasabing Christmas double-header ang sagupaan ng dalawa sa pinaka- popular na koponan sa liga, ang sister teams na Barangay Ginebra at Star na magtutuos sa huling laban nara ganap 7:00 ng gabi.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Mauuna rito, maglalaban sa pambungad na laro ang Globalport at ang Barako Bull sa ganap na 4:15 ng hapon.

Ang 4th-seeded Kings ay may taglay na twice-to-beat advantage kontra sa Hotshots na inaasahan namang ‘di basta na lamang pagbibigyan ang mga pinapaborang kalaban. Parehas ding inaasahan sa tapatan ng Batang Pier at Energy Cola.

Nakatakda namang magtuos kinabukasan-araw ng Sabado (Disyembre 26), ang iba pang quarterfinalists, ang No.3 seed Rain or Shine tangles na mayroon ding bentaheng twice-to-beat kontra sa playoff first-timer Blackwater at ang Talk ‘N Text kontra naman sa NLEX.

Naghihintay naman sa kanila ang Alaska at San Miguel Beer na kapwa umusad na ng semifinals makaraang tumapos na top two sa elimination. (MARIVIC AWITAN)