Sinisi ng Commission on Audit (CoA) ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkakaantala ng paglalabas ng tulong pinansiyal sa 361 biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Sinabi ng CoA na dapat repasuhin ng CHR ang sistema ng pagpoproseso nito ng pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga human rights claimant upang mabilis ng mga itong makuha ang kanilang benepisyo.

Batay sa 2014 annual audit report ng ahensiya, sinabi ng CoA na hindi nakatanggap ang 361 human rights victim ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno hanggang noong Disyembre 31, 2014.

“The agency did not process the financial assistance claims of victims of human rights violations within the timeframe set in CHR Resolution NO. A-96-060 dated September 10, 1996; thus, depriving the 361 HRV victims prompt receipt of their benefits totaling P1,352,000.00 as of December 31, 2014,” saad sa CoA report.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakasaad sa batas na ang pinansiyal na tulong ay maaaring ibigay ng CHR sa mga human rights victim, kabilang ang kanilang mga survivor at tagapagmana.

Idinahilan naman ng CHR ang kakulangan sa blangkong tseke at kakulangan sa oras at tauhan para maiproseso ang mga financial claim. (Ben Rosario)