page 16 story 2 copy

Halos makalipas ang 24-oras nang maipamalas nila ang pinakapangit na laro, nakapagtala naman ang Brooklyn Nets ng isa sa kanilang pinakamagandang laro sa ginaganap na NBA New Season noong Linggo ng gabi.

Si Brook Lopez ay nagtala ng 21-puntos at 12 rebound, si Thaddeus Young ay nagdagdag ng 16-puntos at 13 rebound na nagbunsod sa Nets na talunin ang Chicago Bulls, 105-102 sa pagtatapos ng five-game losing streak.

‘’We came in focused, we were energetic and our bench did a great job of coming in keeping the energy high and responding to runs,’’ ang sabi ni Lopez. ‘’We were all there for each other. We were pulling for each other.’’

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang naging performance nila noong Lunes ay kabaliktaran ng nangyari noong Linggo nang makaranas ng kabiguan ang Nets, 100-85, sa Minnesota.

‘’We just did everything better,’’ ang naging pahayag ni Brooklyn coach Lionel Hollins. ‘’I thought we came out from the start with a lot of fight and purpose.’’

Samantala, nagtala naman si Jimmy Butler ng 24-puntos, si Pau Gasol ng 20-puntos subalit natalo ang Bulls sa third straight.

Ayon kay Butler, hindi naman siya nagsisisi sa kanyang kritikal na komento tungkol sa first-year coach nila na si Fred Hoiberg, na sinabi niya dalawang araw bago ang kanilang kabiguan sa New York.

Nasorpresa si Hoiberg sa kanilang koponan na hindi man lang nagpamalas ng magandang puwersa.

‘’It’s very disappointing,’’ ani Butler. ‘’This is a tough loss. You have to win your home games. We’ve dropped a couple in a row now. It’s a bad, bad loss.’’

Ang Brooklyn ay namuno ng 12-puntos bago sila nakakuha ng 85-78 advantage sa fourth quarter.

Binuksan ng Chicago na may 4 na quick points sa final quarter upang mahatak sa 85-82, gayunman rumesponde ang Nets na may 9-2 spurt upang muling masungkit ang double-digit advantage.

Muli na namang nagpakita ng puwersa ang Bulls at nakagawa si Gasol ng isang pares ng free throws sa loob ng natitirang 20.9 segundo upang makapagtala ng 101-99.

Dahil sa konting natitirang segundo, nagpumilit na makapuntos ang Bulls subalit nabigo ito nang bumagsak si Jarret Jack sa kapwa free throws para sa 103-99 edge at mayroon na lamang 10.6 segundong natitira.

‘’Butler made some tough shots, obviously, but for the most part we stuck together and clamped down defensively, limiting them to one shot,’’ ani Lopez. ‘’That gives you a lot of confidence when you’re coming down the other end in control of the game.’’ (Abs-Cbn Sports)