KAMAKAILAN lamang ay nagpulong ang 190 bansa tungkol sa climate change na maghahatid ng global warming sa mundo at matindi na ang banta ng El Niño, ayon sa UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) at Regional Integrated Multi-Hazard Early Warning System for Africa and Asia (RIMES).

Ayon sa New United Advisory, ang kasalukuyang El Niño phenomenon sa Asia-Pacific region na kinabibilangan ng Pilipinas ay isa sa pinakamalala mula noong 1998 at magpapatuloy hanggang sa unang mga buwan ng susunod na taon.

Base sa Third Advisory Note tungkol sa El Niño na inilabas ng ESCAP at RIMES, ang impact ng 2015-2016 El Niño ay mas malubha sa iba’t ibang lokasyon kabilang na ang Pilipinas.

Hindi ito pananakot ayon sa ilang eksperto. Ito ay paalaala para mapaghandaan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon pa sa ulat, habang ang karamihan sa mga bansa sa Southeast Asia ang makararanas ng matitinding baha tulad ng India at Sri Lanka, ang iba naman ay makararanas ng matinding tagtuyot na magiging dahilan ng kakulangan sa tubig at pagkain.

Pinaalalahanan pa rin sa report na ang pinakamaaapektohan ng El Niño ay ang agrikultura na pinakamahalagang sangkap ng Gross Domestic Product (GDP).

Ang report na ito ay kagimbal-gimbal at hindi dapat balewalain. Matindi ang magiging epekto nito sa kabuhayan at maging sa pansariling pangangailangan ng mga Pinoy partikular na ang mga maralita. Ang pagkahumaling natin sa magulong pulitika ay dapat isantabi na muna natin. Dapat nating paghandaan ang banta ng El Niño.

Matindi ang banta ng El Nino at kung mananatili tayong kampante at itutuon na lamang natin ang ating pansin sa maruming pulitika ay baka magsisi tayo pagdating ng panahon.

Kung sabagay, ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Hindi dapat atupagin ang pagsisiraan at pagbabangayan. Ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang paghahanda sa mga kalamidad na hatid ng El Niño. (ROD SALANDANAN)