Target ng Commission on Elections (Comelec) na makapagpaimprenta ng mas maikling balota na gagamitin sa May 2016 elections.

“Ang masasabi ko sa inyo ay magiging mas maikli ito kumpara sa nakaraang eleksiyon,” pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Noong 2013 elections, ang ginamit na balota ay may sukat na 8 ½ by 26 inches.

Ayon kay Jimenez, mas madali para sa mga botante na hawakan at maipasok sa voting counting machine ang pinaikling balota.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod dito, mas madali ring matatakpan ng mga botante ang balota habang pinupunan ito ng mga pangalan ng kandidato.

Samantala, sinimulan na rin ng Comelec ang paglalagay ng inisyal na listahan ng mga kandidato sa May 2016 elections sa Election Management System (EMS) ng ahensiya.

Isasapinal ang listahan ng kandidato sa Enero 8, ayon kay Jimenez. (Leslie Ann G. Aquino)