Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na iwasan ang pagbebenta o paghahango ng mga shellfish ngayong Pasko dahil sa lumalawak na pinsala ng red tide toxin.

Ayon kay BFAR Director Atty. Asis Perez, hinigpitan nila ang paghahango at pagbebenta ng mga shellfish matapos na madagdagan ang lugar na tinamaan ng red tide.

Kabilang sa coastal areas na apektado ng red tide toxin ay ang Balite Bay sa Mati Davao Oriental, Dauis sa Bohol, Daram Island sa Daram; Villareal, Mosqueda, Irong-irong at Cambatutay sa Western Samar.

Kasama ring naapektuhan ang coastal waters ng Leyte at Cariraga Bay sa Leyte; Pilar, President Roxas, at Saipan Bay sa Capiz; Altavaz, Batan, at New Washington sa Batan Bay ng Aklan; Gigantes Island ng Carles Iloilo; at Naval sa Biliran.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa opisyal ng BFAR, ang nasabing mga lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison.

Gayunman, mas pinaigting ng BFAR ang monitoring sa mga nabangit na lugar para maiwasan ang paghahango ng shellfish mula sa mga ito.

Nilinaw naman ng BFAR na ipinagbabawal lamang na kainin ay ang shellfish at alamang, habang ligtas naman ang mga mahuhuling isda, pusit, hipon, at alimango basta naalisan ng lamang-loob at nahugasan nang mabuti. (Jun Fabon)