Inaprubahan ng Washington D.C.-based World Bank ang isang bagong contingent line of credit para suportahan ang pagsisikap ng Pilipinas na mapamahalaan ang mga bantang panganib ng mga kalamidad.

Sa isang pahayag, sinabi ng World Bank noong Miyerkules na inaprubahan nito ang $500 million para sa Second Disaster Risk Management Development Policy Loan with a Catastrophe Deferred Drawdown Option (CAT-DDO 2). Sa ilalim ng termino, nilalayon ng loan na palakasin ang investment planning at regulations upang mabawasan ang mga panganib ng kalamidad at makatulong na mapamahalaan ang financial impacts sa pagtama ng mga kalamidad sa Pilipinas.

“The Philippines is among the most vulnerable countries in the world. Together, the 20 most vulnerable countries face escalating losses of $44.9 billion due to climate-related natural disasters alone,” sinabi ni Finance Secretary Cesar V. Purisima.

“Inaction is set to cost us even more. With the number set to multiply almost ten-fold by 2030, amounting to $418 billion, we turn to innovative financing mechanisms to boost our resilience,” dagdag niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Maaari na ngayong makuha ng Pilipinas ang bagong credit line kasunod ng “state of calamity” na idineklara ng Pangulo.

Binibigyan ng CAT-DDO 2 ang Pilipinas ng flexibility na gamitin ang mga pondo ayon sa pangangailangan. Ang drawdown period ay tatlong taon at renewable ito ng apat na beses sa kabuuan ng 15 taon.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa Asia and Pacific region na gumamit ng ganitong uri ng financing option sa CAT-DDO noong 2011. Ang ikalawang CAT-DDO ay magbibigay sa gobyerno ng platform para matustusan ang mga reporma at epektibong maipatupad ang mga ito sa disaster risk reduction and management program ng bansa. (CHINO LEYCO)