Inutusan ng Court of Appeals (CA) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na palayain ang dalawang lalaki sa kanilang kustodya matapos ang pagbasura sa kanilang kasong kaugnay sa droga sa Pampanga.

Sa kanyang desisyon noong Disyembre 1, 2015, ngunit kamakailan lamang inilabas, pinagbigyan ng CA ang apelang inihain nina Roldan Lakandula at Marlon Dizon.

“Accordingly, the June 3, 2015 resolution of the Regional Trail Court (RTC) of San Fernando City, Pampanga, Branch 46 is reversed and set aside,” saad sa desisyong pinonente ni Associate Justice Florito Macalino.

“Director Jeoffrey Tacio of PDEA Region III is ordered the release of [Lakandula and Dizon] from custody unless held for some other valid or unlawful case,” dagdag dito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kasama sa desisyon sina Associate Justice Mariflor Punzalan Castillo at Zenaida Galapate-Laguilles, ng 10th Division ng CA.

Noong Hulyo 2014, sina Lakandula at Dizon ay isinailaim sa kustodiya ng mga opisyal ng PDEA sa diumano’y paglabag sa Dangerous Drugs Act ngunit nabigong magpresinta ng anumang warrant of arrest.

Gayunman, sa kabila ng pagbasura sa kaso, patuloy diumanong idinetine ng PDEA sina Lakandula at Dizon.

Sinabi ng CA na ang kaso laban kina Landula at Dizon ay “not elevated for automatic review to the Office of the Secretary of Justice, there exists no valid ground or cause for their continued detention.”

(Mar Mosqueda, Jr.)