Pinabulaanan ng Palasyo ang mga ulat na mayroon nang training camp ang teroristang grupo na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na mismong si National Security Adviser Cesar Garcia ang nagbigay ng katiyakan hinggil sa naturang isyu.

“According to National Security Adviser Sec. Cesar Garcia: ‘ISIS has no training camps in the Philippines’,” pahayag ni Coloma.

“What ISIS-linked personalities have done is to try to link-up with local jihadist or terrorist groups. Some of these ISIS-linked personalities, who are really few in number, have also sought refuge in the base areas of these local terrorist groups,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ay matapos maiulat na nagtatayo na ang ISIS ng mga training camp sa Indonesia at Pilipinas.

Sa kabila nito, nanawagan ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado at alerto laban sa mga grupong terorista, kaugnay ng terrorist attacks ng grupo sa ibang bansa, kabilang ang Paris, France, noong Nobyembre 15, na 130 ang namatay. (Madel Sabater-Namit)