Kawhi Leonard

Ipinakita ni Kawhi Leonard ang dominasyon sa pisikal na labanan upang ilabas ang lakas ng San Antonio Spurs.

Nagtala si Leonard ng kabuuang 24-puntos, 6 na rebound at 5 assist bago tumulong na rendahan si Paul George sa season-low nitong 7 puntos upang itulak ang San Antonio na biguin ang Indiana sa 106-92 panalo noong Lunes ng gabi upang manatiling hindi natatalo sa kanilang homecourt.

‘’They imposed their will in the second half, like they do here,’’ sabi ni Pacers coach Frank Vogel. ‘’We just couldn’t get over that hump. We kept hanging around, hanging around. (There was a) loose ball play that went their way or they make a 3 or just something that prevented us from getting over the hump.’’

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Pinaganda ng San Antonio ang kabuuang kartada sa 24-5, panalo-talo, kung saan nagawa nitong magwagi ng anim na sunod at nakatutok sa ikalawang pinakamagandang pagsisimula sa kasaysayan ng koponan na tampok ang 16-0 sa homecourt.

Napagwagian ng Spurs ang kanilang 21 laro sa pamamagitan ng double figures, kung saan nagawa nitong baguhin ang mahigpitang laro tungo sa dominanteng paglalaro sa ikalawang hati.

Nag-ambag si Tony Parker ng kabuuang 15-puntos kabilang ang siyam sa huling yugto para sa San Antonio. Nagdagdag si Boris Diaw ng 14-puntos at sina LaMarcus Aldridge at Patty Mills ay may 10- puntos.

Nagtala naman 7-puntos at 5 rebound si Dawid West sa kanyang unang laro kontra sa Pacers simula ng umalis siya sa offseason upang pumirma sa Spurs.

Nagtala sina George Hill at Jordan Hill ng tig-15- puntos para sa Indiana na may 16-11, panalo-talong kartada.

Samantala, umiskor si Carmelo Anthony ng 27- puntos para sa New York Knicks upang biguin ang Chicago Bulls 107-91, Sabado ng gabi para sa ikaapat nitong sunod na panalo.

Nagtala rin si Kevin Durant ng 22- puntos at 8 rebound habang si Enes Kanter ay may 19-puntos at 14 rebound upang tulungan ang Oklahoma City na talunin ang Los Angeles para sa ikawalong sunod na home win. (ANGIE OREDO)