Kelly at Modarressy copy

HINDI tinapos ni R. Kelly ang panayam sa kanya noong Lunes sa set ng HuffPost Live nang tanungin siya ng host na si Caroline Modarressy-Tehrani kung nakaaapekto ang tingin sa kanya ng publiko sa benta ng kanyang latest album.

“F**k that,” sabi ng 48 taong gulang na singer. “I’m a man that believes what I see. And everywhere I go, from malls to restaurants to tours, sold-out tours, overseas and back, and everywhere I’ve been — and I’m a man who’s been around the world a few times — and everywhere I’ve been I get nothing but love.“

Ang huling album ni R. Kelly na Black Panties ay bumenta ng 133,000 kopya sa loob ng isang linggo. Ang kanyang upcoming album na The Buffet ay inaasahang bebenta ng 100,000 sa unang linggo.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Taong 1997, inakusahan ng isang 20 taong gulang na babae si R. Kelly na pinilit umano siya nitong makipagtalik noong siya ay 15 taong gulang pa lamang. Inareglo ito ni Kelly sa korte. At noong taong 2002, kumalat ang kanyang video na nakikipag-sex sa isa na namang menor de edad. (Si Kelly ay nahatulang not guilty sa 14 na kaso ng child pornography.)

Sa kanyang panayam sa HuffPost Live, naging mainit ang pag-uusap nina Kelly at Modarressy-Tehrani.

“I did not come here to get interrogated,” pahayag ni Kelly. “I did not come here for a deposition. This is a deposition. This is not about R. Kelly. This is not about music. This is not about someone who works hard on his music who has an album out. This is about trying to interrogate me and this is about disrespect.”

Nang tanungin si Kelly kung ano ang mensahe niya sa kanyang fans na ayaw bumili ng kanyang album, sinabi ng singer na, “I love all of my fans. People that are against me, people that are with me, I love them all. It doesn’t matter who they are — if they hate me, they love me, they want to destroy me. I love ‘em all, and I love you, too. I love everybody.” 

“You don’t need to give me any of your love, sir,” ani Modarressy-Tehrani, na nabigo nang makapagtanong pang muli.

“This interview is over,” mabilis na sambit ni Kelly.

Tuluyang inalis ni Kelly ang mikropono at pinasalamatan si Modarressy-Tehrani at tinawag niya itong maganda habang papaalis sa sa set. Ngunit sumagot si Modarressy-Tehrani at sinabing: “You don’t need to comment on my appearance, sir.“

Yahoo News/Celebrity