Nagsimula na noong Lunes (Disyembre 21) ang online registration ng mga gustong sumali para sa Junior National Basketball Association (NBA)/ Women National Basketball Association (WNBA) Philippines para sa taong 2016.

Lahat ng mga interesadong manlalaro ay maaaring mag-log-on sa www.jrnba.asia/philippines at i-click ang Open Clinic Registration para makapag-sign-up.

Para naman sa coaches na nais na lumahok sa coaches clinic, ay dapat na i-click ang Coach Clinic Registration.

Ang mga coach at player ay kailangang i-fill-up ang lahat ng hinihiling na impormasyon sa form at kapag nakumpleto na ito ay kinakailangan itong i-print out at i-save ang file.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang printed copy ay kailangang dalhin sa registration area para sa Coaches Clinics, Open Clinics o School Clinics.

Ang Jr. NBA at WNBA ay isang basketball program na bukas para sa lahat ng kabataang lalaki at babae na edad 10 hanggang 14 at ipinanganak ng Enero 1, 2002 hanggang Disyembre 31, 2006.

Ang coaches clinic naman ay bukas para sa lahat ng mga school coaches na nagku-coach sa mga juniors player sa elementary at high school levels.

Ang Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2016 ay inihahatid ng Alaska at sisimulan sa Enero 23, sa pamamagitan ng apat na phases na kinabibilangan ng School and Open Clinics, Regional Selection Camps, National Training Camp at NBA Experience Trip.

Para sa karagdagang mga update at impormasyon, maaaring bisitahin ang official webpage ng event – ang www.jrnba.asia/philippines. (MARIVIC AWITAN)