Hindi na mahihirapang bumoto ang mga botanteng “o read, no write” dahil sa audio feature ng mga vote count machines (VCM) na gagamitin sa lokal at pambansang halalan sa Mayo 9, 2016.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, gamit ang mga headphone ng VCM ay maririnig ng mga botanteng hindi marunong bumasa at sumulat at mga may kapansanan, ang pangalan ng mga kandidatong kanilang ibinoto.

Ang VCM ay mayroon ring ultra violet lamp, na gagamitin upang matukoy na hindi peke ang balotang ginamit, source code para masiguro ang integridad at kredibilidad ng eleksyon, at digital signature para ma-authenticate ang lahat ng transmitted election result. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador